Saturday, March 3, 2012

nakarelate kse kaya mataas ang grade!

ayun! ngayon na lang ulit ako nakapagpost sa blog na'to (yeah WAGAS!)
--
so i'm about to graduate na! (tama ba grammar ko? haha) at para mapirmahan ang clearance namin sa Filipino pinagawa kami ng isang monologo. Pinabunot kami ng i-poportray and guess what? bagay na bagay sakin ang nabunot ko... SUWAIL NA ANAK! hahaha! nakakarelate ako! kaya sobrang madaling gawin. aba! 93 grade ko dito kaya wag ii-small-in ha.. hehehe... so ito po yung gawa ko



Suwail na Anak


(kakatok si nanay)
Ha? Anong kailangan nyo? Tantanan nyo ako! Utang na loob umalis na kayo! Ha? Papasok? Anung papasok sa eskuwela? Tatlong taon na’kong hindi napasok . O? anong kagitla-gitla? Sinabi ko na sa inyo ‘di ba? Ay, oo nga naman! Paano nyo malalaman? Wala naman kayong pakialam. Sigurado ako nung panahong sinabi ko iyon sa inyo hindi na kayo nakinig kasi nasa trabaho kayo. Nagpapayaman.
Hay naku! Eto nanaman po tayo. Oo! Alam ko na ang sasabihin nyo, “ginagawa namin ito para sa kinabukasan mo, nagtatrabaho kami dahil may obligasyon kami sa’yo na pag-aralin ka”. Aba naman, “Inay” baka nakakalimutan mong may obligasyon ka ding palakihin ako ng maayos . Ni minsan hindi man lang kita nakitang lumapit sa’kin at sabihing “anak, kamusta ka na?”. Pinalagpas ko kasi naisip ko, siguro kailangang ako ang lumapit sa kanya, pero anung napala ko? Wala! Isang “anak sandali lang may trabaho si nanay”.
Sa mga barkada ko na nga lang ako nagiging masaya, kumokontra ka pa. Gusto mo pa silang ilayo sa’kin. Anu ba talagang problema mo? Bakit ayaw mo pa akong pakawalan e hindi mo naman ako kayang ingatan? Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan magpakasaya sa buhay ko? Epal ka eh!
Pagod na’ko! Pagod na’ko sa kakaasang magkakaron kayo pakialam sa’kin. Ngayon ako na ang nawalan ng pakialam. Alam nyo? Ang gusto ko lang naman ay isang “anak, mahal ka namin ng tatay mo” o kaya “anak, ingat ka ha”. Pero wala! Ni minsan hindi yun lumabas sa mga bibig nyo.  Kaya wag kayong magalit sa’kin kung lumaki akong suwail dahil hindi ako ang nagkulang.  Kayo!


--
ayan! hehe sana nagustuhan nyo... uhm.. so i-poportray namin yan tomorrow. and great news! hindi ko pa sya memorize -_- .  Goodluck na lamang sa'kin at sa lahat ng 4-science ng CLDDMNHS

Saturday, March 26, 2011

I'm proud to say .....3 science ako!!!

       Yes aman! summer na! it's time to party! he he he...Mamimiss ko ang III-science!!! sobra sobra. (cheesy much?! ha ha ha)
       Pero  bago ko ituloy ang ka-"cheesy"-hang ito, ipapakita ko muna sa inyo ang aming "Mahiwagang Pictures".
       This pictures are very important to us because it reminds us of what bond we have.This pictures reminds us that in a couple of years when we are no longer together, that we once had these people who helped us in achieving who we're going to be(wow! di ko alam kung tama ang grammar, ha ha ha)
       So, without further ado (what the?!) ... this are our pictures..

our class picture! i look horrible! ha ha ha

wacky! he he he, is it me?! or do i have the wackiest pose?! ha ha ha


J.S prom (hawaiian theme) i am not here! ouch!

wacky! now that's a pose! ha ha ha (nothing changed)

          This is it! these are the pictures i am talking about. I hope you'd all like it, specially my III- science family. I love III-science

Science rocks!!!!

Monday, March 21, 2011

My first not-for-school post!! Let’s party! Hahaha

                Naranasan mo na bang masaktan dahil nalaman mong di pala mapagkakatiwalaan ang mga taong pinagkatiwalaan mo? Yun bang pinagkatiwalaan mo siya ng lubusan pero yung trust ng iba ang pinahahalagahan niya?!
                Ako naranasan ko na! at sobrang sakit dahil she was a very important person to me. I trusted her so much but she didn’t give importance of the trust that I gave her. Mas pinahalagahan niya pa ung trust na binibigay ng taong ngayon niya lang nakilala! And to think that we’ve been together for about 3 years! Pero ang masakit dun, yun yung kahit alam mong nagawa niya yun sa’kin, I still love her as my friend the way I loved her before.
                I know a love without trust is considered love at all but I still love her as my friend. The problem is I don’t know if I can trust her again and I don’t know if she’s gonna trust me too. I love her as my friend, I really do but if we’re going to stay this way it will just ruin our friendship and turn it to its worst. I know she’s mad at me too. I did something wrong and I’m very sorry for it. Sana lang she realizes na may mistakes din siya. Sana din yung iba naming close friends ay hindi na makigulo pa. I mean I really wish they help us be friends again instead of taking sides (it’s very irritating).
                Anyways, there are things in life that is very important like trust. So if you really want to do something, you should think first whether it’s going to ruin someone’s trust. Word to the wise, do not! In any circumstances do what I did. I ruined (actually WE) our friendship by doing things that can lose our trust to each other. We both made mistakes. Sana lang, she realizes that because I really want to apologize to her but I don’t know if she’s gonna forgive me( AGAIN, you see, before we got into this fight I did something wrong. I am really not a very good friend!). But if she’s willing to forgive and forget, I am too.


P.S. 
Yes! With this blog post, I honestly realize that I am not a very good essay composer! ha ha ha. This blog post just shows kung gaano kagulo ang utak ko! But I really hope na-gets niyo aman siya kahit papaano.
Lovelots!!!

Sunday, February 27, 2011

This is my life!!!

ME!!!
                Ako si Mae Justine Hernandez, labing apat na taong gulang, ipinanganak noong ika-31 ng mayo, 1996 sa Pagbilao, Quezon. Ang aking mga magulang ay sina Rodelo at Erliza Hernandez. Ang papa ko ay isang tricycle driver sa Pagbilao, quezon. Ang mama ko naman isang direct territory representative ng isang kilalang produkto dito sa pilipinas. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid. Ang panganay ay si Divine Kristel Hernandez at ang bunso naman ay si Kate Jusmine Hernandez. Sa ngayon, hindi sa amin nakatira ang aking ate at papa pero pinipilit pa rin namin na magkaroon ng komunikasyon sa isa’t isa.
CHILDHOOD!!! 
                Masasabi kong ang nagpalaki sa akin ay ang aking lola, si Rebecca Villapañe. Siya ang nag-alaga sa aming magkakapatid habang nagtatrabaho si mama at papa. Hindi nakatira sa bahay naming ang aking papa noong ako ay bata pa lamang kaya hindi ako naging malapit sa kanya. Nakatira siya sa aking lola na si Justina Humirang at pumupunta lamang sa amin tuwing may okasyon. Kaya naman noong una syang makita ni Kate ay nasabi na lang nito sa amin ni ate na “ate, tatay mo andyan na!”.
                Dahil siguro sa napansin ni papa na nagiging malayo kami sa kanya, ay nagdesisyon sila ni mama na magsama na sa isang bahay. Noong una ay mahirap dahil hindi kami sanay sa kung paano sya magdisiplina ngunit sa lumaon din at nasanay na kami sa kanya. Kaya lamang ay hindi pa rin maialis ang katotohanan na hindi kami malapit sa isa’t isa kahit ano an gaming gawin.
                Noong ako ay nasa unang baitang, malimit akong niloloko ng mga kaklase ko dahil kung anu-ano ang ginagawa ko, kinakausap ko ang sarili ko, nagsasalita ako ng kung anu-ano at marami pang iba. Weird talaga ako noong grade one ngunit kahit ganun ay naging first honor pa rin ako at napalipat ako sa highest section, ang FL o fast learner. Nasa ikalawang baitang ako noong lumipat si papa sa amin. Nag-aaral ako noon sa Pagbilao Central Elem. School. Doon nahasa ang aking talento sa pagkanta.  Sumali ako sa Choir ng aming paaralan mula ikalawa hanggang ikaapat na baitang.Nagkaroon ako ng pagkakataon na umawit at lumaban sa iba’t ibang lugar at makakilala ng iba’t ibang tao.
                Noong ako ay nasa ikaapat na baitang na, naging Soloista ako ng aming choir at nagkaroon minsan ng pagkakataong lumaban sa isa Vocal solo contest. Tanging si papa lamang ang naroon sa aming pamilya upang panoorin ako ngunit hindi iyon naging hadlang para sumuko agad ako sa laban. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya at kahit papaano ay nakuha ko ang ikalawang puwesto. Hindi ko man nakamit ang unang parangal,  masaya pa rin  ako dahil kahit unang beses ko pa lamang lumaban ay nakamit ko ang ikalawang parangal. Masaya naman ako sa resulta ng kompetisyon kahit papaano.
WE HAVE TO MOVE!!!  
                Lumipat kami sa San Pablo noong ako ay maglilimang baitang na. Ito ay sa kadahilanang nahihirapan ang si mama na iwan kami sa Pagbilao habang siya ay nagtatrabaho sa San Pablo lalo na at hindi na kami pwedeng alagaan ng aking lola dahil inaalagaan niya ang aming pinsanna noon ay bagong aby pa. Sinama kami ni mama sa San Pablo at dito na nga kami namuhay. Hindi na ulit namin kasama si papa dahil siya ay may trabaho sa Pagbilao. Noong una, nahirapan ako dahil bago ang lahat, lugar, mga tao, at marami pang iba. Ngunit kahit ganun, ay hindi ito naging hadlang upang makahanap ako ng mga bagong kaibigan. Noong ako ay pumasok na sa ikalimang baitang, nag-aral ako sa Bagong Pook Elem. School. Mabilis akong naging kilala dahil maliit lamang naman ang paaralan. Doon ako nagkaroon ng mga kaibigan tulad nina Mariebeth Briones, Kimberly Joy Goyena, Princess Liu, Jamie Pontigon, Sharleen Jaojoco, at marami pang iba. Sila ang tumulong sa akin upang mas lalo ko pang makilala ang san Pablo.Hindi man kapani-paniwala (hehehe), naging muse ako sa aming eskuwelahan noong ako ay nsa ikalimang baitang. Masaya at makulay ang naging unang taon ko sa San Pablo.
                Nang ako ay nasa ikaanim na baitang na, naging masaya ang mga unang buwan ko , masaya ako dahil ako ang secretary ng school at kahit paano ay ginagalang ng mga bata,  ngunit  sa kalagitnaan ng taon, ay nag-away kami ng isa sa  aking mga kaibigan. Isang pag-aaway na sa tingin ko hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba. Masakit isipin na nagkaganun ang aming pagkakaibigan dahil sa isang napakasimpleng dahilan lamang na lumaki ng lumaki habang tumagal kaya hindi na naayos hanggang sa kami ay grumadweyt. Nagtapos ako ng elementarya na tuwang- tuwa dahil makakatakas na ako sa mga kaguluhang naroroon. Natatawa nga ako tuwing naiisip ko na sa habang kumakanta kami ng graduation song namin ay nakangiti pa ako at tuwang-tuwa habang ang mga kasama ko ay umiiyak na at hinihiling na sana ay manatili na lamang silang elementary forever . Magulo ang mga pangyayari ngunit kahit paano ay naging dahilan ito kung bakit ako naging mas malakas at kung bakit ako naging independent.
HIGH SCHOOL!!!!  
dizon high
                Nang ako ay malapit nang maghigh school, hindi talaga pumasok sa isip ko ang pumasok sa paaralang pinapasukan ko ngayon dahil akala ko noong una ay hindi maganda ang paaralan. Ngunit nang hindi ako nakapasok sa gusto kong paaralan at tanging Dizon High na lamang ang aking choice, ay wala na akong nagawa at kumuha na lamang ako ng entrance exam para makapasok sa Science curriculum, ang pinakamataas na seksyon sa Dizon High. Nakapasa ako sa exam at doon nga ako nag-aral.
                Kinain ko lahat ng aking nasabi noon tungkol sa aking paaralan nang nalaman ko ang mga pasilidad ng nito. Napakaganda naman pala ng paaralan at ang mga guro ay talagang matatalino at napakikinabangan ang galing hindi lamang sa paaralan kundi sa buong San Pablo.
                Nang ako ay maging isang “freshmen student”” ng Dizon High, kabadong kabado ako dahil ako lamang sa aming paaralan ang nakapasok sa science curriculum. Wala akong kakilala o kaya naman ay makakasama. Pnasama lamang ako ni mama ka Jhane Kimberly Belen na noon ay iniiwan pa ako dahil hindi niya naman ako kilala. Sunod lamang ako ng sunod sa kanya noon kahit alam kong nagmumukha akong tanga, pero sinabi naman ni mama na sa kanya ako sumama kaya go lang ako ng go!

                Unang araw ng pasukan ay lalabinlima (15) lamang kami sa silid-aralan. Dahil doon, nagkaroon ng eksam ang mga nasa seksyon A upang kami ay madagdagan. Kinabukasan, habang kaming labinlima ay nananahimik sa loob ng silid-aralan, bigla na lamang may mga lalaking pumasok na sobrang ingay! Noong una ay naasar ako ngunit siguro nasanay na rin at naging okay lang sa akin ang kanilang kaingayan. Inayos na ang aming seating arrangement at nakatabi ko si Shirlyn Fruelda. Mabilis naman kaming naging magkaibigan.natatandaan ko pa nga na habang ang lahat ay nananahimik ay naroon kami ni Shirlyn at Jade sa aming upuan at tawa kami ng tawa dahil sa aming mga kinekwento sa isa’t isa..  Naging mahirap para sa akin ang mga pangyayari dahil feeling ko ay napakabilis, para bang hindi pa akong handing maging high school. Ngunit nang magkaroon ako ng mag kaibigan ay naging mas maayos naman ang lahat. Nagkaroon ako ng barkada, ang TSILo Tropang Sikat Inggit Lahat. Binubuo ito nina Marian Carmella Calanasan, ang nagsali sa akin sa tropa, si Joanna Mae Atienza, Marie Kristelle Aguilar, Lykka CAraan, Sam Jenny Barcenas, Khryss Leanne Omnes, Jhane Kimberly Belen at Shelo Cadahing. Sa tulong nila naging masaya, makulay, at maingay ang freshmen life ko. Dahil sa kanila, nagkaroon ako ng obsessions na kahit ganun ngang maitatawag ay masaya pa rin ako. Sa kanila ko nakilala ang singer/actress na si Selena Gomez na ngayon ay naging role model ko na. Dahil rin sa kanila ako naobsess sa kulay na purple. Kahit obsessions yun at sinasabi nilang masama ang magkaroon ng obsessions ay masaya pa rin ako dahil sila ang naging dahilan sa kung sino ako ngayon.
mga prinsesa ng ibong adarna
                Ang pinakamsayang parte ng aking freshmen life ay nooong magkaroon ng kompetisyon sa Filipino ang pagsasadula ng Ibong Adarna. Ako ang napili nilang maging Maria Blanca, isa sa mga lead roles. Doon maraming kaguluhan ang nangyari ngunit masaya naman kahit papaano. Maraming away at iyakan ang nangyari ngunit kahit ganun ay natapos naman ito at kami ang First placer! Ako rin ang nagkamit ng unang puwesto sa pagiging Maria Blanca. Napakasaya namin noong araw na iyon wala kaming ibang ginawa kundi magsaya sa aming pagkapanalo.
me and ethel
                Nang kami ay magsecond year, nagkaroon ako ng panandaliang best friend, si Marie Kristelle Aguilar.Kasabay ng aming pagiging magbest friend, nagkaroon ulit ako ng mga tropa ang KRISAMAEINE na nabuo dahil sa madalas kaming magkakasama noon.Binubuo ito nina Marie kristelle Aguilar, Joanna Mae Atienza, Sam Jenny Barcenas at syempre, ako.  Masaya, ngunit hindi naging happy ending ang aming friendship.Nagkaroon ng mga misunderstandings kaya nabuwag ang grupo. Ngayon naman ay magkakaibigan pa rin kami.  Naging masaya pa rin  ang aking buong second year. Lumaban kami sa mga iba’t ibang kompetisyon. Mayroong mga pagkakataon na natalo kami tulad ng dula dulaan ng Florante At Laura at Choral Recitation. Inisip na lamang naming na paraan ito upang mas maging matatag pa kami at para sa susunod ay hindi na kami matatalo dahil mistakes makes us realize what we have done wrong and is the reason why we stand up and correct our mistakes (yes! English sya oh).
florante at laura


2nd year class picture
 Nang ako ay maging 3rd year high school na, dito na kami nahirapan ng lubus-lubusan sa pag-aaral. Kailangan naming mag-aral ng mabuti sa upang manatili pa sa science section sa susunod na taon. Dito rin sa taong ito nakita kung gaano kahalaga para sa amin ang bawat isa. Masaya ang maging 3rd year high school wala namang doubts pagdating doon ngunit sobrang hirap! Lalo na para sa aming nasa highest section. Kailangan naming mag-aral ng sobra-sobra dahil kailangan ng mataas na marka upang makapasa kami sa science section sa susunod na school year.
activity for chemistry: movie review
                Kahit ganun, hindi rin naman mawawala ang masasayang moments. Tulad ng mga kulitan sa classroom, mga walang katapusang awayan na nauuwi rin naman sa pagbabati at siyempre, ang mga kalokohang aming ginagawa tuwing tinatamad kaming magklase. Meron ding mga “kilig moments” tulad ng kapag nagtatabi ang mga may crush at ang crush nila. Napakasaya  ng aming junior life kahit puro exams, quizzes, tests at activities(hehehe).
                Sa taong ito naranasan ko ang pinakamasayang Christmas party para sa akin. Kung dati kontento na kami sa bigayan ng regalo, ngayon meron na rin kaming mga activities na ginawa. Napakasaya nang araw na iyon para sa akin. Doon ko naramdaman ang aming unity. Kaya naman hinding hindi ko malilimutan ang araw na iyon bukod sa fact na birthday ni Sam Jenny Barcenas noong araw na iyon.
                MOMENT OF TRUTH!!!
                Masakit isipin na kahit pinipilit naming manatiling buo ay mern talaga sa aming ilang estudyante na matatanggal sa aming seksyon. Ayaw man naming mahiwalay sa isa’t isa ngunit kailangan naming tanggapin na meron talagang iba sa amin na matatanggal na. Kaya naman ngayon, sinusulit na lang namin an gaming mga moments together.
ecotour!!!
                Isa na dito yung aming ecotour na isa sa pinakamasayang pangyayari sa aking high school life unang una dahil first time na nagkaroon ng tour na kasama kaming lahat. Nakakapagod ang araw na iyon dahil umakyat kami sa bundok ngunit kahit ganoon ay masaya pa rin kami pagkatapos ng araw. Isa pa ay ang concert na nangyari lamang noong Feb. 25, 2011. Hindi man tlga kami sama-sama noon lahat ay masaya pa rin dahil nakikita namin  ang isa’t isa na masaya at “having the time of our lives”.
us performing in the concert 
                Sa ngayon, masasabi ko na ang high school life ko ang pinakamasayang part ng buhay ko ngunit hindi rin ako sigurado dahil alam ko na marami pa akong pagdaraanan sa buhay. Kung mahirap man o madali ang buhay na magkakaron ako, iyon ang hindi ko alam. Basta ang alam ko, kahit anong mangyari ay pipilitin kong maging masaya at pipilitin kong kayanin ang mga problemang darating sa aking buhay mahirap man ito o madali.
                Ito ang buhay ko, magulo, nakakaloka! Pero masaya dahil nandyan ang kayo na sumusuporta at gumagabay sa akin

Monday, February 14, 2011

Putting self to Blog (my Blog's etymology)

  When our teacher told us that we are going to make a blog, after the shock from what we heard, our teacher, Mr. Denis Lacsam, told us to make our blog name. Mine went from “Just want to make you smile”, “just music to my ears” and lots of phrases and words just to have the perfect blog name suitable for me. In the end of that day, I chose the blog name Mischievous Butterfly. I chose that name simply because I love butterflies and I am kind of mischievous especially to when I’m with my friends. But I didn’t really feel it’s suitable for me.
     Then, came Christmas vacation (probably my best Christmas vacation ever!), and then back to school. When we had our computer class again, Mr. Lacsam told us that we can change our blog name. I chose to change my blog name. Then here it goes again! From Pretentious Talker to The Dreamer’s Emotions and the rest is history. In the end, I chose the name The Emotional Spouter.
      I chose this blog name because first of all, I am a very “emo” girl. But I am not the suicidal type of emotional. I am emo in the sense that I really show what I feel to everyone. I show them whenever I’m in pain, or happy, or in love. But of course there are times that I lack of that characteristic.
      In the “spouter” part, I chose this word as a part of my blog name because I believe I am a good speaker. And the word “spouter” means speaker. I can call myself a speaker because I am confident when I am in front of many people speaking. I really love it when I’m in front of people because I really believe that when you are speaking in front of people especially speaking a declamation speech or anything similar, I think, I change something in the world with what I am telling them.
       So putting the two words together means like I am someone who is proud of whom she is in the sense that she is comfortable in saying what she really feels in many people. It can without doubts tell people when I am in pain or when I’m going to explode with what I am going through or when I’m out of my mind because of happiness.
        So this is my blog's etymology. I really hope you like it because I have lots of things to put in my blog. You can expect that and more. Lovelots!
               

Friends Forever

               Taong 2095 noon at ibang iba na ang paaralang Colonel Lauro D.Dizon Memorial National High School o ang Dizon High. Ito na ang pinakamaganda at pinakakilalang paaralan sa buong Pilipinas Mga silid-aralan ang siyang lumalapit sa mga estudyante . Mga pisara na ginagamitan nga remote upang lumabas ang mga aralin. Halos lahat ng mga estudyante doon ay sobrang matatalino at walang hindi nalalaman. Dahil sa galing at ganda ng mga pasilidad sa eskuwelahang ito lahat ay gustong makapag-aral dito. Ngunit iilan lamang ang mga tao na nakakapasok dito. Madalas, puro mga robot ang mga estudyante nito.
                Dito magmumula ang kwento ni Angela, ang natatanging tao na nakapasok sa ikatlong taon ng paaralan. Dahil sa siya nga ay nag-iisa, wala siyang kaibigan, at madalas siyang kinukutya ng kanyang mga kaklase dahil hindi ito kasing talinong mga robot na kasama niya. Ngunit hindi ni minsan nalaman ito ng kanyang mga magulang. Kung umiiyak ito sa kanyang kwarto, ay inilalayo niya ang kanyang kwarto sa kwarto ng kanyang mga magulang dahil sa panahong iyon maari nag ilipat ang mga kwarto kung saan mo gustong parte ng bahay. Inilalayo niya upang hindi siya marinig tuwing umiiyak siya sa hirap ng kanyang kalagayan sa kanyang eskuwelahan.
                Dahil dito, naisipan niyang gumawa ng isang robot na magiging kaibigan niya sa kanyang esuwelahan. Noong araw ding  iyon, dali-dali siyang pumunta sa paaralan gamit ang kanyang transporter. Noong una, hindi siya makapasok dahil protektado ang buong paaralan ng shield na maari niyang ikamatay kapag biglaan siyang pumasok. Inayos niya gamit ng kanyang pocket computer ang security ng kanyang paaralan. Isang iglap at nabuksan na niya ang kanyang paaralan.Dali-dali siyang nagpunta laboratoryo ng paaralan.
                Sa kanyang pagpasok, ginawa niya agad ang gusto niyang robot. Maghapon niyang ginawa ang robot magiging kaibigan niya. At pagkatapos ng 19 na oras, nagawa na niya ang kanyang kaibigan. Ngunit dahil robot nga ito at natatakot siyang iwanan siya nito kapag nalaman ng robot na sila ay magkaiba, ay nagpasya siyang wag na lamang sabihin sa robot na si “Jamie” ang totoo. At para hindi niya mahalata na siya ay isang robot, gumawa si Angela ng paraan para magkaroon si Jamie ng mga emosyon. Gumawa rin siya ng paraan upang hindi malaman ng mga kaklase niyang robot na katulad nila si Jamie.
                Naging masaya na si Angela simula noon. Lagi na siyang may kasama at hindi na siya pinagkakatuwaan ng mga robot niyang kaklase dahil akala nila ay dalawa na silang tao sa silid-aralan. Ngunit dahil robot nga si Jamie ay hindi maitatago ang kanyang talino. Nakakasabay siya sa mga ginagawa ng mga robot na katulad niya ngunit hindi niya iyon napapansin dahil akala niya ay natural lamang iyon. At unti-unti ngang nasapawan ng galling niya si Angela.
                Naging malungkot nanaman si Angela dahil muli na naman siyang kinukutya ng kanyang mga kaklaseng robot dahil kinukumpara nila it okay Jamie. Nag-away sila ni Jamie. DAhil sa pag-aaway na iyon, nasabi ni Angela na hindi tao si Jamie, na siya ay isang robot. Nagalit si Jamie dahil hindi agad sinabi ni  Angela ang totoo. Nagpaliwanag si Angela. Sinabi niya ang tunay na dahilan kung bakit ayaw niya itong sabihin kay Jamie. Ngunit hindi siya pinansin ni Jamie. Nilayuan siya nito at nakipagkaibigan sa mga kaklase niyang robot.
                Simula noon, tuwing may klase sila ay ipinapahiya ni Jamie si Angela sa klase. Hindi na lamang kumikibo si Angela dahil alam niya na may dahilan si Jamie upang gawin ito. Ngunit umabot na sa sukdulan si Jamie. Kasama ng kanyang mga kaibigang robot din, ipinahiya nila si Angela sa harap ng mga estudyante sa buong paaralan. Sobrang nasaktan si Angela at nang lumaon ay galit na ang kanyang naramdaman. Gumawa siya ng paraan upang makaganti kay Jamie.
                Naalala niyang maari nga pala niyang kontrolin si Jamie kung sakali mang mangyari ang nangyari na. Dali-dali niyang kinuha sa kanyang drawer ang isang remote. Pinaglaruan niya ang remote at ginawa niya lahat ng ninais niyang gawin. Tuwang-tuwa siay sa ginawang paglalaro gamit ang remote control a iyon.
                Samantala, si Jamie na kasama ang kanyang mga bagong kaibigan ay nagpapakasaya. Habang siya ay umiinom ng isang drinking solution na para lamang sa mga robot ay bigla na lamang siyang tumayo at napasayaw ng kung anu-ano. Pagkatapos nagsalita siya ng iba’t ibang salita na hindi naman niya gustong sabihin. Nasabi niya ang mga bagay na makakapagpahiya sa kanya. Pinagtawanan siya ng kanyang mag kaibigan at tinukso. Sa sobrang hiya niya, umalis siya gamit ang kanyang transporter at pumunta siya sa malayong lugar.
                Dumating ang araw ng pagpasok nila sa eskuwelahan. Katulad ng dati, ito na naman ang araw na hindi hinihintay ni Angela. Nang dumating si Angela, napansin niyang nawawala si Jamie. Gusto niyang tanungin ang mga kaibigan ni Jamie , ngunit natakot siya. Naalala niya nag kanyang ginawa sa dati niyang kaibigan. Dali-dali siyang tumakbo at kinuha ang kanyang transporter. Hinanap niya si Jamie. Kung saan-saan siya nakarating ngunit hindi niya ito makita. Malapit na siyang mawalan ng pag-asa ngunit napagtanto niyang mayroon nga pala siyang tracking dev ice na nakakabit kay Jamie. Hinanap niya ito at BINGO! Nakita na niya si kung nasaan si Jamie. Pinuntahan ito ni Angela at humingi ng tawad. Sinabi niya na siya ang dahilan kung bakit siya nakagawa ng mga bagay na nakapagpahiya kay Jamie sa harap ng kanyang mga kaibigan. Noong una, nagalit si Jamie nang marinig niya ang mga sinabi ni Angela. Muntik na niya itong sampalin ngunit nakita niya kung gaano kataos-puso  ang paghingi ni Angela ng tawad sa kanya. Pinatawad na ni Jamie si Angela. Nagyakapan sila ng mahigpit na mahigpit.
                Bumalik na sila sa kanilang tirahan, naging matalik na magkaibigan na silang muli. Pumasok sila sa eskuwelahan ng sabay at nagulat ang mga kaibigan ni Jamie. Sinabi ni Jamie na kung gusto nilang maging kaibigan pa ang robot ay kailangan na maging mabait at ituring na kaibigan nila si Angela. Simula noon, ay wala na ngang nanloko o nangmaliit sa pagkatao ni Angela. At naging matalik na magkaibigan sila ni Jamie hanggang sa wakas.
                Sadyang may mga pagkakaibigan talagang hindi nawawala. Maaring magkaroon ng mga pag-aaway ngunit hindi ito magiging hadlang kung sila nga ay tunay na nagmamahalan bilang magkaibigan. Hindi rin mahalaga kung magkaiba sila dahil sa huli hindi naman anyo o uri ang nagpapatibay sa isang pagkakaibigan ito ay ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

I'm Full of of Netiquette

 Our teacher told us to make an essay on why are we a responsible netizen. At first, I told myself , "what is a netizen?" So, I searched the internet to what is a netizen. I found out that the word netizen came from the words "internet" and "citizen" which means persons who are actively involved in online communities.
 So since I am an active member of the "online community", I am considered as a netizen. But why am I a responsible netizen? And more importantly, what are the characteristics of a responsible netizen?
  I can honestly say i'm a responsible netizen because I'm not "contaminating" the cyber world. Contaminating meaning i don't say things or do stuffs that can or will embarrass me in the whole wide world. For instance, I don't make fun of my enemy's photos or say bad words because I know everybody will see it and I certainly am not a hacker! Imagine the humiliation you are going to have when the whole world sees what horrible things you have done in social networking sites such as facebook, friendster, twitter and many more. Harsh right? Sure a lot people are doing those things but do you have to be one of them?
  Being a netizen is cool, no doubt, but like any other thing in the world there are limitations. You can't always  do what you want right? So just an advice, do what you want in the cyber world but think of what you're going to do a thousand times before doing it.

Lovelots!