ME!!!
Ako si Mae Justine Hernandez, labing apat na taong gulang, ipinanganak noong ika-31 ng mayo, 1996 sa Pagbilao, Quezon. Ang aking mga magulang ay sina Rodelo at Erliza Hernandez. Ang papa ko ay isang tricycle driver sa Pagbilao, quezon. Ang mama ko naman isang direct territory representative ng isang kilalang produkto dito sa pilipinas. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid. Ang panganay ay si Divine Kristel Hernandez at ang bunso naman ay si Kate Jusmine Hernandez. Sa ngayon, hindi sa amin nakatira ang aking ate at papa pero pinipilit pa rin namin na magkaroon ng komunikasyon sa isa’t isa.
CHILDHOOD!!!
Masasabi kong ang nagpalaki sa akin ay ang aking lola, si Rebecca Villapañe. Siya ang nag-alaga sa aming magkakapatid habang nagtatrabaho si mama at papa. Hindi nakatira sa bahay naming ang aking papa noong ako ay bata pa lamang kaya hindi ako naging malapit sa kanya. Nakatira siya sa aking lola na si Justina Humirang at pumupunta lamang sa amin tuwing may okasyon. Kaya naman noong una syang makita ni Kate ay nasabi na lang nito sa amin ni ate na “ate, tatay mo andyan na!”.
Dahil siguro sa napansin ni papa na nagiging malayo kami sa kanya, ay nagdesisyon sila ni mama na magsama na sa isang bahay. Noong una ay mahirap dahil hindi kami sanay sa kung paano sya magdisiplina ngunit sa lumaon din at nasanay na kami sa kanya. Kaya lamang ay hindi pa rin maialis ang katotohanan na hindi kami malapit sa isa’t isa kahit ano an gaming gawin.
Noong ako ay nasa unang baitang, malimit akong niloloko ng mga kaklase ko dahil kung anu-ano ang ginagawa ko, kinakausap ko ang sarili ko, nagsasalita ako ng kung anu-ano at marami pang iba. Weird talaga ako noong grade one ngunit kahit ganun ay naging first honor pa rin ako at napalipat ako sa highest section, ang FL o fast learner. Nasa ikalawang baitang ako noong lumipat si papa sa amin. Nag-aaral ako noon sa Pagbilao Central Elem. School. Doon nahasa ang aking talento sa pagkanta. Sumali ako sa Choir ng aming paaralan mula ikalawa hanggang ikaapat na baitang.Nagkaroon ako ng pagkakataon na umawit at lumaban sa iba’t ibang lugar at makakilala ng iba’t ibang tao.
Noong ako ay nasa ikaapat na baitang na, naging Soloista ako ng aming choir at nagkaroon minsan ng pagkakataong lumaban sa isa Vocal solo contest. Tanging si papa lamang ang naroon sa aming pamilya upang panoorin ako ngunit hindi iyon naging hadlang para sumuko agad ako sa laban. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya at kahit papaano ay nakuha ko ang ikalawang puwesto. Hindi ko man nakamit ang unang parangal, masaya pa rin ako dahil kahit unang beses ko pa lamang lumaban ay nakamit ko ang ikalawang parangal. Masaya naman ako sa resulta ng kompetisyon kahit papaano.
WE HAVE TO MOVE!!!
Lumipat kami sa San Pablo noong ako ay maglilimang baitang na. Ito ay sa kadahilanang nahihirapan ang si mama na iwan kami sa Pagbilao habang siya ay nagtatrabaho sa San Pablo lalo na at hindi na kami pwedeng alagaan ng aking lola dahil inaalagaan niya ang aming pinsanna noon ay bagong aby pa. Sinama kami ni mama sa San Pablo at dito na nga kami namuhay. Hindi na ulit namin kasama si papa dahil siya ay may trabaho sa Pagbilao. Noong una, nahirapan ako dahil bago ang lahat, lugar, mga tao, at marami pang iba. Ngunit kahit ganun, ay hindi ito naging hadlang upang makahanap ako ng mga bagong kaibigan. Noong ako ay pumasok na sa ikalimang baitang, nag-aral ako sa Bagong Pook Elem. School. Mabilis akong naging kilala dahil maliit lamang naman ang paaralan. Doon ako nagkaroon ng mga kaibigan tulad nina Mariebeth Briones, Kimberly Joy Goyena, Princess Liu, Jamie Pontigon, Sharleen Jaojoco, at marami pang iba. Sila ang tumulong sa akin upang mas lalo ko pang makilala ang san Pablo.Hindi man kapani-paniwala (hehehe), naging muse ako sa aming eskuwelahan noong ako ay nsa ikalimang baitang. Masaya at makulay ang naging unang taon ko sa San Pablo.
Nang ako ay nasa ikaanim na baitang na, naging masaya ang mga unang buwan ko , masaya ako dahil ako ang secretary ng school at kahit paano ay ginagalang ng mga bata, ngunit sa kalagitnaan ng taon, ay nag-away kami ng isa sa aking mga kaibigan. Isang pag-aaway na sa tingin ko hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba. Masakit isipin na nagkaganun ang aming pagkakaibigan dahil sa isang napakasimpleng dahilan lamang na lumaki ng lumaki habang tumagal kaya hindi na naayos hanggang sa kami ay grumadweyt. Nagtapos ako ng elementarya na tuwang- tuwa dahil makakatakas na ako sa mga kaguluhang naroroon. Natatawa nga ako tuwing naiisip ko na sa habang kumakanta kami ng graduation song namin ay nakangiti pa ako at tuwang-tuwa habang ang mga kasama ko ay umiiyak na at hinihiling na sana ay manatili na lamang silang elementary forever . Magulo ang mga pangyayari ngunit kahit paano ay naging dahilan ito kung bakit ako naging mas malakas at kung bakit ako naging independent.
HIGH SCHOOL!!!!
![]() |
dizon high |
Kinain ko lahat ng aking nasabi noon tungkol sa aking paaralan nang nalaman ko ang mga pasilidad ng nito. Napakaganda naman pala ng paaralan at ang mga guro ay talagang matatalino at napakikinabangan ang galing hindi lamang sa paaralan kundi sa buong San Pablo.
Nang ako ay maging isang “freshmen student”” ng Dizon High, kabadong kabado ako dahil ako lamang sa aming paaralan ang nakapasok sa science curriculum. Wala akong kakilala o kaya naman ay makakasama. Pnasama lamang ako ni mama ka Jhane Kimberly Belen na noon ay iniiwan pa ako dahil hindi niya naman ako kilala. Sunod lamang ako ng sunod sa kanya noon kahit alam kong nagmumukha akong tanga, pero sinabi naman ni mama na sa kanya ako sumama kaya go lang ako ng go!
Unang araw ng pasukan ay lalabinlima (15) lamang kami sa silid-aralan. Dahil doon, nagkaroon ng eksam ang mga nasa seksyon A upang kami ay madagdagan. Kinabukasan, habang kaming labinlima ay nananahimik sa loob ng silid-aralan, bigla na lamang may mga lalaking pumasok na sobrang ingay! Noong una ay naasar ako ngunit siguro nasanay na rin at naging okay lang sa akin ang kanilang kaingayan. Inayos na ang aming seating arrangement at nakatabi ko si Shirlyn Fruelda. Mabilis naman kaming naging magkaibigan.natatandaan ko pa nga na habang ang lahat ay nananahimik ay naroon kami ni Shirlyn at Jade sa aming upuan at tawa kami ng tawa dahil sa aming mga kinekwento sa isa’t isa.. Naging mahirap para sa akin ang mga pangyayari dahil feeling ko ay napakabilis, para bang hindi pa akong handing maging high school. Ngunit nang magkaroon ako ng mag kaibigan ay naging mas maayos naman ang lahat. Nagkaroon ako ng barkada, ang TSILo Tropang Sikat Inggit Lahat. Binubuo ito nina Marian Carmella Calanasan, ang nagsali sa akin sa tropa, si Joanna Mae Atienza, Marie Kristelle Aguilar, Lykka CAraan, Sam Jenny Barcenas, Khryss Leanne Omnes, Jhane Kimberly Belen at Shelo Cadahing. Sa tulong nila naging masaya, makulay, at maingay ang freshmen life ko. Dahil sa kanila, nagkaroon ako ng obsessions na kahit ganun ngang maitatawag ay masaya pa rin ako. Sa kanila ko nakilala ang singer/actress na si Selena Gomez na ngayon ay naging role model ko na. Dahil rin sa kanila ako naobsess sa kulay na purple. Kahit obsessions yun at sinasabi nilang masama ang magkaroon ng obsessions ay masaya pa rin ako dahil sila ang naging dahilan sa kung sino ako ngayon.
![]() |
mga prinsesa ng ibong adarna |
![]() |
me and ethel |
![]() |
florante at laura |
![]() |
2nd year class picture |
Nang ako ay maging 3rd year high school na, dito na kami nahirapan ng lubus-lubusan sa pag-aaral. Kailangan naming mag-aral ng mabuti sa upang manatili pa sa science section sa susunod na taon. Dito rin sa taong ito nakita kung gaano kahalaga para sa amin ang bawat isa. Masaya ang maging 3rd year high school wala namang doubts pagdating doon ngunit sobrang hirap! Lalo na para sa aming nasa highest section. Kailangan naming mag-aral ng sobra-sobra dahil kailangan ng mataas na marka upang makapasa kami sa science section sa susunod na school year.
![]() |
activity for chemistry: movie review |
Sa taong ito naranasan ko ang pinakamasayang Christmas party para sa akin. Kung dati kontento na kami sa bigayan ng regalo, ngayon meron na rin kaming mga activities na ginawa. Napakasaya nang araw na iyon para sa akin. Doon ko naramdaman ang aming unity. Kaya naman hinding hindi ko malilimutan ang araw na iyon bukod sa fact na birthday ni Sam Jenny Barcenas noong araw na iyon.
MOMENT OF TRUTH!!!
Masakit isipin na kahit pinipilit naming manatiling buo ay mern talaga sa aming ilang estudyante na matatanggal sa aming seksyon. Ayaw man naming mahiwalay sa isa’t isa ngunit kailangan naming tanggapin na meron talagang iba sa amin na matatanggal na. Kaya naman ngayon, sinusulit na lang namin an gaming mga moments together.
![]() |
ecotour!!! |
![]() |
us performing in the concert |
Ito ang buhay ko, magulo, nakakaloka! Pero masaya dahil nandyan ang kayo na sumusuporta at gumagabay sa akin