
Samantala, si Percy na walang alam sa kanyang tunay na pagkatao ay inatake sa museum ng isang halimaw na nagpanggap na isa sa kanyang mga guro. Dahil sa nangyari nalaman na ni Percy na siya ang anak ni Poseidon at ang kanyang matalik na kaibigang si Grover at ang kanyang guro na si G. Brunner ay kanyang mga tagapagbantay. Matapos ang mga nangyari, pinuntahan nila ang ina ni Percy upang pumunta sa Camp Half-Blood. Ngunit sa kasamaang palad, inatake ang kanyang ina, si Sally, ng isang Minotaur at nawala.

Sa Camp Half -Blood , nakilala niya si Annabeth, ang anak ni Athena, at naging matalik na kaibigan ito. Nalaman ni Percy na pinagbintangan siyang nagnakaw ng lightning bolt ni Zeus, pinagbigyan siyang hanapin ito dahil naniniwala ang kanyang tagapagturo sa camp na si Hades ang kumuha ng lightning bolt. Kasama si Annabeth at Grover, pumunta sila sa underworld upang kunin ang lightning bolt at iligtas ang kanyang ina. Upang makapunta sa underworld kailangan muna nilang kunin ang tatlong perlas sa iba't ibang lugar sa America.

Sa underworld, nakita nila si Hades. Nalaman nilang nasa kalasag palang binigay ni Luke kay Percy ang lightning bolt ni Zeus.Sa tulong ng katulong ni Hades, napatay nila ito at nakuha ang kanyang ina. Ngunit dahil hindi sila maaring umalis nang walang maiiwan na isa, nagpa-iwan si Grover sa underworld. Dali- dali silang umalis upang ibigay kay Zeus ang lightning bolt nito ngunit duamting si Luke at kinalaban si Percy. Sa huli, natalo si Luke at naibigay ni Percy ang lightning bolt kay Zeus. Hiniling niya dito na ibalik si Grover at maayos silang nakabalik sa Camp Half-Blood.
Percy Jackson and Olypians : The Lightning Thief.
No comments:
Post a Comment